Home

13th Natividad Galang Fajardo Annual/Lecture Exhibit

Submitted by webAdmin on Fri, 08/10/2018 - 21:42
13th Natividad Galang Fajardo Annual/Lecture Exhibit

13th NATIVIDAD GALANG FAJARDO ANNUAL LECTURE/EXHIBIT
in honor of
FILIPINO WOMEN in the VISUAL ARTS

“Tahi-Tagning Talambuhay: Isang Pagpupugay sa Sining ng KASIBULAN”

 

4:30 PM, Friday, 13 March 2015
Rizal Library, ALiWW Reading Room
Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Q.C
Telefax: (63-2) 426-6001 ext. 5561

Ang Kababaihan sa Sining at Bagong Sibol na Kamalayan (KASIBULAN) ay natatangi sa ibang organisasyon ng mga manlilikha ng sining dahil malày ang mga kasapi nito sa pag-uusap tungkol sa mga isyung pang-kababaihan, at mga isyu ng kababaihan, kamalayang itinatanghal nila sa kanilang mga likhang-sining. Ang dalawampu’t walong taon na pagiging at pananatiling nangungunang organisasyon nito ng mga babaeng artist ay patunay ng katatagan ng kamalayang ito.

Ngayong 2015, ang KASIBULAN ang napiling gawaran ng Natividad Galang Fajardo Exhibit for Visual Arts ng Ateneo Library of Women’s Writings (ALiWW). Ang eksibit, “Tahi-Tagning Talambuhay: Isang Pagpupugay sa Sining ng KASIBULAN”, ay magtatanghal ng mga likhang-sining na pumapaksa sa kahulugan ng KASIBULAN sa buhay-paglikha ng mga kasapi nito.